Hindi pa rin umano nagbabago ang Sitwasyon sa Sri Lanka matapos na umalis ng kanilang bansa ang nagbitiw sa pwestong pangulo na si Gotabaya Rajapaksa.


Ayon kay Bombo International News Correspondent Priscilla Rollo Wijesooriya, patuloy pa rin ang mga isinasagawang kilos protesta ng mga residente doon ngayon.


Sa July 20 ay uupo sa pwesto ang itatalagang bagong pangulo ng bansa matapos ang gagawing pagpupulong ng mga opisyal doon ngayong araw.

--Ads--


Magugunitang tumakas lulan ng military jet si Rajapaksa kasama ang kaniyang maybahay matapos ang pagsiklab ng kilos protesta dahil sa patuloy krisis sa ekonomiya.


Samantala, inatasan ni Sri Lanka’s Prime Minister Ranil Wickremesinghe ang military niya na gawin ang lahat ng makakaya para maibalik ang katahimikan sa kanilang bansa.


Si Wickremesinghe ay itinalaga matapos na tumakas ang kanilang pangulo na si Gotabaya Rajapaksa palabas ng kanilang bansa.


Mula noong nakaraang mga linggo ay pinapasok na ng mga protesters ang government building.


Magugunitang sumiklab ang malawakang kilos protesta dahil sa naranasang krisis sa ekonomiya.