Mahirap para sa mga district engineering officers ng Pangasinan ang kinakaharap ngayon ng Department of Public Works and High ways na isyu kaugnay sa mga anomalya at ghost projects sa flood control dahil nadadamay at naiipit sila.

Ayon kay Engr. Marieta B. Mendoza, District Engr. ng Pangasinan 1st District Engineering Office na inihalintulad nito ang kanilang sitwasyon sa isang tiklis ng kamatis na kapag nahaluan ng bulok na kamatis ay madadamay at maaapektuhan na ang lahat.

Anya na sa kabila ng mabigat at maraming trabaho ng mga ito ay mayroon pa ring mangilan ngilan ang gumagawa ng hindi magandang gawain. Lalo na at katulad nila ang binibigyang prayoridad ang pagseserbisyo sa publiko.

--Ads--

Dagdag pa anya na dito sa lalawigan ay kanilang tinitiyak ang pagtatrabaho nang maayos at paniniblihan sa publiko.

Sa katunayan din mula sa unang distrito ay mayroon lamang na mga minor damage ang nangyari dahil sa nagdaang kalamidad at patuloy ang kanilang pagsasaayos ng flood control projects at iba pang mga proyekto sa mga imprastraktura ng tanggapan.