BOMBO DAGUPAN -Bahagyang kumalma ang situwasyon sa Haiti kasunod ng pagbitiw sa pwesto si Haitian Prime Minister Ariel Henry kasunod ng ilang linggo ng tumitinding tensyon at karahasan sa bansa

Ngunit ayon kay Nene Silvain, bombo International News Correspondent sa Haiti, hindi pa rin dapat magpakampante na magiging mapayapa na ang kanilang bansa.

Aniya, hindi isang daang porsyento na babalik na sa normal ang kalagayan ng bansa.

--Ads--

Magugunita na ang kanyang pagbaba sa pwesto ay isa sa mga pangunahing kahilingan ng mga armadong grupo sa bansa.

Nauna na kasing sinabi ng kanilang gang leader na maglulunsad sila ng civil war kapag hindi bumaba sa pwesto si Henry.

Maraming taon na walang eleksyon sa Haiti kaya naman itinuturing ng marami na un official ang kanyang pag upo.

Maraming residente ang kumwestiyon sa pamumuno Henry at marami ang hindi satisfied dahil palagi na may problema sa kanyang pamumuno