BOMBO DAGUPAN – Pormal nang nagpirmahan ng sisterhood agreement ang syudad ng San Juan sa Maynila na pinamumunuan ni Mayor Francis Zamora at ang lalawigan ng Pangasinan sa pamumuno naman ni Governor Ramon Guico III.

Ito ay ginawa upang magkaroon ng pormal na linkages ang dalawang panig.

Sa pahayag ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino na ilan lamang sa mga benepisyo na makukuha sa nasabing agreement ay ang ease of transactions, potential partnership patungkol sa ekonomiya, turismo, edukasyon at iba pa.

--Ads--

Ibinahagi din ni Lambino na napakarami pang ibang sisterhood agreements at partnerships sa iba pang mga probinsiya dito sa bansa.

Kaugnay nito ay nagkaroon din ng inisyal na pag-uusap si Mayor Zamora at Governor Guico hinggil sa nasabing kasunduan.