Job applicants queue up at a counter for job vacancies offered by different local companies during a job fair at a mall in Manila on October 27, 2010. The Philippines is creating more jobs but too many skilled people are still unable to find work, economic planning minister said. Unemployment eased to 6.9 percent in July as an improving economy opened up more jobs, mostly in the farm sector, the government reported a day earlier. AFP PHOTO/TED ALJIBE

Wala pang pandemic dulot ng covid 19 ay inasahan nang marami ang mawawalan ng trabaho.

Ayon kay Primo Amparo, chairperson ng Workers for Peoples Liberation sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, dati ang mas marami ay mga temporary jobs pero dahil sa implikasyon ng pandemic ay mas marami ang walang trabaho at mawawalan pa ng trabaho.

Aniya ang punot dulo nito ay ang sistema ng ekonomiya sa bansa.

--Ads--

Dagdag pa ni Amparo na lalong nagpalala rito ang covid 19 na nagresulta ng paglock down ng maraming mga bansa. Dahil walang export ay wala ring galaw ang ekonomiya.

Pero kahit gumalaw pa ang ekonomiya ngayon ay hindi pa rin agad aniya maibabalik ang katatagan nito hanggat hindi napupuksa ang covid19.

Sa kasalukuyan aniya ay nakasuspendi ang ilang bahagi ng operasyon ng ilang industriya habang ang iba ay tuluyan nang nagsara.

Pinaka apektado umano ang mga maliliit na negosyo o kompanya na may kaugnayan sa pagkain.

Pinayagan man na buksan ang mga food establishment ay 50 percent lang ang capacity nito.

Primo Amparo, chairperson ng Workers for Peoples Liberation