“Nagagamot at matagal bago makahawa”

Ito ang inihayag ni Dr. Jess Canto upang linawin ang mga maling impresyon ukol sa sakit na leprosy o ketong kasabay ng paggunita kahapon ng World Leprosy Day.


Sinabi ni Dr. Canto sa programang Dr. Bombo, na ito ay taliwas sa matagal nang alam ng karamihan na ang nabanggit na sakit ay mabilis makahawa.

--Ads--


Aniya, matagal na ring may mga available na gamot sa nabanggit na sakit gaya na lamang ng anti-biotics gaya na lamang ng dapsone with rifampicin, at clofazimin at tumatagal ng nasa 6 buwan hanggang 1 taon ang gamutan ngunit maaring maging mas matagal depende kung gaano ito kalala.


Bagama’t maaaring mahawaan ng ketong sa pamamagitan ng paglanghap ng droplets o maliliit na laway mula sa pasyente, saad naman ni Dr. Canto na ito naman ay hindi agarang nakahahawa.


Ang pakikipag-usap sa pasyenteng may ketong nang saglit ay hindi umano nangangahulugan na magkakaroon ka na agad nito at ailangan ay matagal at paulit-ulit ang pakikihalubilo sa pasyenteng may ketong upang ikaw ay mahawaan.

Ibinahagi din niya na ang iilan sa mga sintomas ng leprosy ay ang pagkakaroon ng tila an-an o mga pantal na hindi gumagaling, pagbubukul-bukol ng balat, pamumula o pagiging kulay abo ng balat, pamamanhid ng mga braso, kamay, binti, o paa, panghihina ng mga kalamnan, at paglagas ng buhok.


Ang Mycobacterium leprae ang bacteria na siyang nagiging sanhi ng nabanggit na sakit na madalas naman na umaatake sa mocus membrane, nerves, at tainga.