Iba’t ibang nasyunalidad ang naroroon sa Sint Marteen kaya’t iba iba din ang pamamaraan ng mga tao kung paano iselebra ang araw ng mga puso.
Ayon kay Rosalie Realon – Bombo International News Correspondent sa Philipsburg sa nasabing bansa nag-uumpisa na ang pagbili ng mga panregalo gaya ng mga bag, sapatos at kung ano-ano pa na kahiligan ng kanilang mga asawa o nobya.
Marahil ay isang tourist destination ang bansang ito ay halos lahat ng tindahan roon ay may kani-kanilang pakulo upang makahikayat ng mga mamimili o customers.
Simple lamang ang halos ang kanilang pagselebra gaya na lamang ng pagkain sa mga restaurant dahil walang mga specific area doon na maaaring magdate ang mga couples o mag-asawa.
Bukod dito ay may may printing company din doon na pwedeng pagawahan ng pagpaprint ng couple t-shirt kung saan mabenta ang damit na may hugis puso lalo na ang mga kulay pula.