BOMBO RADYO DAGUPAN- Dapat lamang na payagan at masuportahan ang “Single Confinement Act” at hindi na ito maging limitado pa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Mendoza, presidente ng Alliance of Health Workers, dapat lamang bayaran ng PhilHealth ang buong gastusin ng pasyente sa ospital dahil nagbabayad din naman ito ng kaniyang kontribusyon sa ahensya.

Aniya, kung masusuri nang mabuti ang programa ng PhilHealth ay labis din ang maitutulong nito para sa mga naninirahan sa remote areas na walang kakayanan na magbayad ng kanilang kontribusyon.

--Ads--

Gayunpaman, naging bukas naman ang ahensya sa usaping pagbusisi nito at nabanggit din nila ang karagdagan na libreng 30% para sa kanilang package.

Ang “Single Confinement Act” ay ang magbabayad sa bayarin ng isang paseyente o miyembro na na-confine dahil sa partikular na sakit. Maaari lamang itong masakop ng PhilHealth nang isang beses sa loob ng 90 araw.