Inaasahang tataas ang electricity bill ng mga consumer sa Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa pagtaas ng transmission charge ngayong Agosto.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), umakyat kasi ng 22.22% ang transmission rate para sa July 2026 billing period, mula P1.4367 tungo sa P1.7560 kada kilowatt-hour.

Pangunahing dahilan nito ang 30.85% na pagtaas sa ancillary services charges, mula P0.7941 tungo sa P1.0391 kada kilowatt-hour.

--Ads--

Nilinaw ng NGCP na wala itong kinikita sa ancillary services, dahil direktang ipinapasa ang mga bayad sa mga service provider at iba pang kaukulang entity.

Ang transmission charge ay bayad sa paghahatid ng kuryente mula sa mga power supplier patungo sa distribution system, na binabayaran sa NGCP.