DAGUPAN CITY- Nakapagtala ang Dagupan Electric Corporation (DECORP) ng malaking pagbaba sa singil sa kuryente ng mga consumers sa lungsod ng Dagupan para sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay Atty. Randy Castillan, legal officer ng naturang korporasyon, noong nakaraang buwan ng Setyembre ay nasa P6.28 ang generation charge, kumpara sa ngayon buwan ay nasa P4.94 na lamang ito.
Isa sa malaking dahilan ng pagbaba nito ay ang pagtatapos ng apat na buwan na staggered collection na ipinataw ng Decorp sa Wholesale Electricity Sport Market (WESM). Nakuha naman nila ang unconstructed Capacity sa WESM noong Mayo ngayon taon kaya naman hinati-hati ang mga bayad mula Mayo hanggang Agosto.
Dagdag pa ni Castillan na isa sa nag-ambag sa pagbaba ng singil ay ang lumalamig na panahon ngayong ber month. Ang average selling rate ng DECorp ay bumaba mula sa P11.29 kada kilowatt-hour noong nakaraang buwan at ngayon ay nasa P9.72 na lamang.
Paliwanag naman niya na dapat ding isaalang-alang ng mga consumers na maaaring magbago ang presyo ng kuryente sa mga susunod na buwan. Posibleng manatili ang kasalukuyang presyo, ngunit ppaglilinaw rin niya na posible rim ang pagtaas ng presyo ng kuryente dahil sa mga hindi kayang kontrolin ng DECorp, tulad ng transmission constraints, supply constraints, at biglaang outage ng planta.