Pinarangalan ang isang Pangasinense sa 7th Southeast Asia Achievement Award sa Pasay City.

Itinanghal si Efren C. Medina Jr., bilang Asia’s Most Outstanding Singer-Songwriter at Asias’s Sentimental Balladeer.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Efren C. Medina Jr., tubong Malasiqui, Pangasinan, hindi niya inaasahan na mapapabilang siya sa mga awardee at hindi akalain na mapapasabay siya sa entabalo kasama ang mga batikang manunulat at producer ng music kung saan naroon din sina iconic Movie Actress of the Year- Ms. Eva Darren, Imelda Papin na recipient ng Music Icon and Lifetime Achievement Award at marami pang iba.

--Ads--

Nagsimula lang siya lumikha ng awit noong Abril ng nakaraang taon at itinutuloy tuloy dahil sa suportra ng mga kaibigan at kababayan. Ang una niyang album ay nilunch niya nito lamang buwan ng Mayo.

Saad nito na naging inspirasyon niya sa paggawa ng kanta mula sa sariling karanasan at galing sa kuwento ng mga nakakasalamuha sa buhay.

Ang kanyang malaking parangal ay iniaalay umano niya sa lahat ng Pangasinense.