Dagupan City – Patuloy na iniimbestigahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang sindikatong nasa likod ng natagpuang bilyon-bilyong halaga ng ilegal na droga sa karagatang sakop ng bansa.
Ayon kay Usec Isagani Nerez ang Director General ng PDEA na napag-alamang ang nasa likod ng nagpalutang ng mga shabu sa dagat ay Samgor group o Samgor international Drug syndicate.
Sakop nito ang 5 triad at ito ay nagmula sa golden triangle areas na siyang nakikitang produksyon ng illegal na droga partikular na sa Myanmar dahil ang bansang ito aniya ay political unstable na nangangahulugang hindi nasusunod ang batas lalo na illegal na droga.
Saad pa nito na ang nagiging ruta nila ay ang patungong burma na dadaan sa West Philippine Sea para ihulog ang droga sa dagat kaya may natagpuan sa ating teritoryo.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag naman nila ang kanilang Operation Private Eye program na pinupunduhan ng ahensya na binibigay sa informant lalo na sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa kalakalan sa illegal na droga.
Nagkakahalaga ito ng nasa 2 milyon pesos lalo na kapag ang impormasyon ay makapagtuturo ng kinaroroonan ng droga o pgkakahuli ng isang indibidwal na may kinalaman dito ngunit dapat may kalakip na intelligence report habang mayroon ding nakalaan na pondong binibigay sa mga law enforcers na kasama sa anti-illegal drugs operations.
Bagamat kulang sa intelligence report ang mga mangingisda sa kanilang mga natagpuang illegal na droga sa dagat ay nabigyan parin sila ng pabuya dahil nagpapakita ito ng pagiging bayani at tapat.
Samantala, ibinahagi naman nito na kulang na sa purity ang mga shabu na umiikot sa merkado na kanilang nakukumpiska sa bansa.
Nagkukulang na aniya kasi ng supply nito dahil sa aksyon na kanilang ginagawa ngunit napagalaman nila na parang ginagawa na lamang ng mga sindikato na kalakalan bilang estafa kung saan pinapaniwala ang mga kliyente na puro o pure ang illegal na droga ngunit may hinalo na pala o nawawalan na ng purity.
Dahil dito, patuloy parin an panawagan ng PDEA sa publiko na makipagtulungan sa kanila sa paglaban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang impormasyon na may kaugnayan dito.