Hindi nararamdaman ng mga Pilipino ang sinasabing magandang economic status ng Pilipinas upang gawin itong investment destination.
Ayon kay Sony Africa, Executive Director, ng Ibon Foundation, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sa nakikita niya ay hirap na hirap pa rin ang ordinaryong mga pilipino sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Sa katunayan, ayon sa pinaka-latest Social Weather Stations (SWS) survey noong 2024, ipinapakita na tumaas ng 63 percent ng 17.4 million na pamilyang Pilipino ang ikinokonsiderang sila ay mahirap kung saan lumaki ito ng mahigit limang million.
Sinabi ni Africa na walang saysay ang sinasabing datos tungkol sa mataas na international reserves, revenues at investment kung hindi nararamdaman sa baba.
Masasabi lang aniya na may paglago ng investment kung nai angat na mula sakahirapan ang mga ordinaryong mamamatan sa pamamagitan ng dagdag kita ng mga ito at abot kaya na ang presyo ng mga bilihin mga bagay na hindi pa nangyayari.
Matatandaan sa naging talumpati ng Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. sa Vin d’Honneur sa Malacañang, ipinagmalaki pa niya na ang Pilipinas ay ‘Among the strongest’ sa Asya na lumakas ang ekonomiya ng 5.8% sa unang tatlong quarter ng 2024, habang pumalo rin ang revenue collection ng bansa sa ₱4.42 trillion.