DAGUPAN CITY– Umaasa ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na magtuloy tuloy na ang paghupa ng kaso ng African Swine Fever o ASF sa buong bansa.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, chairman ng SINAG, nabawasan na ang mga napapaulat na kaso ng ASF sa mga backyard area hindi tulad noong nakalipas na buwan ng Pebrero na naging mabilis ang pagkalat ng sakit sa ibat ibang lugar sa bansa.

Bagamat humupa na ang virus ay hindi pa rin pinapayuhan ang publiko na mag alaga ng baboy.

--Ads--

Samantala, inanunsyo ni So na nag normalize na ang presyo ng baboy at isa sa nakikitang dahilan ay may mga private sektor na nagpapadala ng karne sa lalawigan.

Matatandaan na may panukala noon si So na mag-angkat ng karne ng baboy sa mga lugar na ASF Free upang maging normal ang presyo ng baboy sa lalawigan kasunod ng napakataas na presyo nito kamakailan.