DAGUPAN CITY–Tiniyak ni Engr. Rosendo So, Presidente ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na sisiyasatin nila kung may hoarding ng bigas sa bansa.
Sa ekslusibong panayan ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. So sinabi nito na walang rason ang mga local rice millers para mag-hoard ng kanilang stocks dahil ang presyo na nabili nila noong nakaraang season ay mas mataas kaysa sa world market price na pumasok sa bansa.
Dagdag pa ni So na inireport na nila sa Department of Agriculture o DA na nagkukulang na ang local rice hanggang magsagawa sila ng imbertaryo at nalaman na wala na talagang local rice at mas marami ang imported rice.
--Ads--
Nagbunsod ito ng serye ng importasyon ng bigas.