DAGUPAN CITY–Pabor ang Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pagdedeklara ng state of emergency ng pamahalaan dahil sa mataas na bilang pa rin ng African Swine Fever (ASF) sa Pilipinas.

Ayon kay Engr. Rosendo So, Chairman ng SINAG, magandang hakbang ang ginawa ng pamahalaan dahil nauubusan na ng pondo ang Kagawarang pang-agrikultura para sa pagbabantay sa bilang ng kaso ng ASF sa bansa at matulungan ang mga hog raisers na naapektuhan sa pagkamatay ng mga baboy dahil sa naturang sakit.

Aniya, kung magtutuloy- tuloy ang pagpopondo para sa pagbabantay kontra sa mga kaso ng ASF sa bansa, ay mas magkakaroon umano ng pag-asa na mapababa ang mataas na bilang nito sa susunod pang mga buwan.

--Ads--

Sa ngayon, bagaman bahagyang hindi tumataas ang bilang ng kaso nito sa bahagi ng Luzon ngunit sa kasamaang palad naman umano ay hindi naman makontrol ngayon ang bilang ng ASF sa bahagi ng Mindanao.

Dahil dito, tanging sa General Santos City at ilang mga lugar sa Visayas nakakakuha ngayon ng suplay ng karne ng baboy ang Luzon.