DAGUPAN, CITY— Kontaminasyon ang nakikitang sanhi ng mga grupong pang-agrikultura sa bansa kaugnay sa pagpositibo sa COVID-19 ng mga meat products mula sa bansang Brazil kamakailan.
Ito ay matapos tinukoy ng Department of Agriculture ang ulat ng China na may sample ng mga frozen chicken wings na inangkat mula sa Brazil na nakompirmang positibo sa naturang sakit base na rin sa isinagawang screening sa Longgang district ng Shenzhen.
Ayon kay Engr. Rosendo So, Presidente ng Samahan ng Industriya at Agrikultura (SINAG), sinabi nito na maaring nakontamina ang mga nasabing produktong dahil maaring ang mga taong nagproseso at humawak umano sa mga produktong ito ay positibo ng COVID-19
Ipinaliwanag ni So na maaring naipasa lamang sa mga produkto ang naturang virus at hindi isang uri lamang ito transmission.
Aniya, na wala pang patunay at mga pag-aaral na kapag nakakain ng produktong positibo sa naturang virus ay maari na itong maipasa sa mga kumain nito.
Ngunit dagdag ni So na mas maigi na dapat masiguro ng kinauukulan na suriing maigi ang mga pumapasok na produkto sa bansa upang makaiwas sa anumang sakit o mga virus at upang hindi na ito makapagdulot ng anumang problema dito sa ating bansa.