Dagupan City – Patuloy ang panawagan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa National Economic and Development Authority (NEDA) hinggil sa nangyaring pagbaba ng taripa sa mga impored na bigas.
Ayon kay Engr. Rosendo So, Presidente ng SINAG, ito kasi ang isa sa mga pangunahing nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka.
Sa kabilang banda, kasalukuyan na ring pinag-aaralan ng NEDA ang presyo ng palay lalo na’t sila ang nagdesisyon noong nakaraan na ibaba ang taripa sa imported na bigas—isang hakbang na umano’y nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka.
Samantala, sa sektor ng baboy, sinabi ni So na marami na muling nagsisimula sa pag-aalaga ng baboy matapos ang malawakang epekto ng African Swine Fever (ASF).
Ngunit sa kabila ng pagbangon, kulang pa rin ang lokal na produksyon kaya nananatiling mataas ang presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan.