BOMBO DAGUPAN – Hindi nangyari ang inaasahang pagbaba ng presyo ng bigas sa ilalim ng Executive Order No. 62.

Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), mga importer lang ang pinapaboran nito dahil sila lang atng retailer ang kumikita.

Nanawagan si So na ibalik na lang nang taripa upang tumaas ang presyo ng aning palay ng mga magsasaka at ibigay sa mga magsakasa.

--Ads--

Samantala, sa kasalukuyan ay maganda ang ani at sapat ang supply ng bigas dahil ang stock ay aabot pa hanggang buwan ng December

Kamakailan ay nagkaroon ng pagpupulong ang ilang mga grupo, tulad ng Sinag, Magsasaka Partilist at ilan pa kasama ng Department of Agriculture (DA) at National Economic and Development Authority (NEDA) kung saan ay napag-usapan ang ilang mga usapin ukol sa mga isyu sa agrikultura sa ating bansa.

una rito, naghain na noon ng petisyon ang grupo ng mga magsasaka sa Korte Suprema na nagdedeklara sa executive order (EO) na nagpapababa sa taripa sa imported na bigas at iba pang produkto bilang unconstitutional.
Hiniling din nito sa SC na ideklarang null at void at unconstitutional ang kabuuan ng kautusan.

Matatandaan na ang EO 62 na pinirmahan ng Pangulo noong Hunyo ay nagpapababa sa tariff rates para sa mga bigas sa 15% mula sa dating 35%.