DAGUPAN CITY-Nakatakdang makipagpulong si Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So sa mga kinauukulang ahensya kasunod ng pagsabog ng Taal Volcano.

Ayon kay So layunin ng pagpupulong ay para malaman kung ilan talaga ang pinsala sa fishpond area sa Batangas.

Nakarating na rin sa kanilang kaalaman na pahirapan din ang paghuli ng isda dahil napasukan ng lahar ang katubigan.

--Ads--

Maraming gulayan at palayan din umano ang nasira dahil sa makapal na ashfall o abo.

Umaasa naman si So na hindi maapektuhan ang bentahan ng mga ito dahil di gaano malawak ang bahagi ng taniman sa apektadong lugar.