Ito ang iminungkahi ni Engr. Rosendo So ang siyang chairman ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG kasunod ng pagkakatala ng ASF sa iba’t ibang mga bahagi ng bansa na nakakaapekto ngayon sa libu-libong mga hog raisers.
Aniya na sa kasalukuyan ay nasa maayos na kondisyon ang probinsya kung saan ay nanatili pa ring zero cases ng naturang virus.
Kung kaya naman idiniin nito na dapat ay mapanatili ng lalawigan ang naturang kalagayan sa pamamagitan na rin ng patuloy na paghihigpit sa mga border control points nang sa gayon ay makatitiyak na hindi makakapasok ang ASF at magtutuloy tuloy ang maayos na kalagayan ng mga poultry farms.
Aminado naman ito na malaking problema pa rin ang kawalan ng bakuna kontra ASF para tuluyang matiyak na hindi ito makakaapekto sa mga baboy sa bansa ay dapat aniya na matugunan na ito ng gobyerno.
Bagaman nakitaan aniya ng pagtaas sa farmgate backyard na mula sa P180 ay tumaas ito sa P190 ay sa kasalukuyan ay wala pa naman aniyang nakikitang kakulangan sa suplay ng karne ng baboy sa probinsya.
Samantala inilahad naman nito na dahil naglabas ng abiso ang PAGASA na pagdating ng El Nino ay inilahad nito na mainam na magkaroon ng shifting sa pagtatanim upang hindi maaapektuhan ang itatanim ng palay o gulay ng mga magsasaka.
Dagdag pa nito na tuloy-tuloy pa rin ang produksyon ng pagkain sa bansa at hindi pa nakikitaan ng problema sa food security.