Dagupan City – Iginiit ng Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na wala pa sa emergency situation sa kakulangan ng bigas ang bansa.

Ayon kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) binabanggit kasi ng Department of Agriculture na maaari umanong gamitin ang dalawang paraan: una ay ang pag-amyenda sa RTL (Rice Tariffication Law) sa pamamagitan ng Kongreso; pangalawa ay ang paglalabas ng isang EO (executive order) na magbibigay daan sa pag-angkat ng bigas sa ilalim ng Price Act.

Binigyang diin ni Engr. So na hindi maaring gamitin na solusyon ang pagtaas sa emergency situation sa produksyon bigas, gayong hindi naman ito kulang. At naging katanungan naman nito ay kung saan kukunin ang 300,000 metric tons na binabanggit ng departamento.

--Ads--

Samantala, paglilinaw pa ni So, na dapat ay bigyang prayoridad ang mga magsasaka partikular na ang pagbibigay ng tulong at subsidiya sa mga ito.

Lumalabas kasi aniya na dahil sa ibinabang executive order no. 62 ay mukhang ang tarriff collection ay mapupunta sa 15% na lamang na dati’y 35%.

Binigyang pagkilala naman nito ang inisyatibang pagbebenta ng National Food Authority (NFA) sa pamamagitan ng kadiwa stores na eexpand sa bawa’t bayan ang bentahan ngunit kinakailangan ng maayos at patas na distribution dahil sa kapos ang suplay nito.