Mainam na simple lamang at payak ang isasagawng recognition and graduation ceremony sa bansa at dapat ay walang nagaganap na kontribusyon sa mga estudyante.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladimer Quetua- Chairperson, Alliance of Concerned Teachers Philippines hindi compulsory o obligado ang mga mag-aaral na makakatanggap ng mga awards na magbigay ng pagkain at iba pa.

Bagkus aniya ay may ilang magulang lamang na gumagawa nito lalo na at natutuwa sila sa karangalang matatanggap ng kanilang anak subalit hindi naman sila obligado.

--Ads--

Marahil nalalapit ng matapos ang S.Y. 2024-2025 dapat ay gumawa na ng paraan ng Department of Education na humanap ng mas komportableng lugar kung saan idadaos ang seremonya dahil mainit ang panahon.

Hinihiling din nito na sana ay huwag ng pumasok o sumama ang mga kandidato sa ganitong pagtitipon.

Samantala, hinggil naman sa susunod na academic year 2025-2026 aniya ay sisimulan na ito ng mas maaga upang marso pa lamang ay tapos na ang klase.

Nananawagan din ito na kapag pinagtrabaho ang mga guro sa panahon ng kanilang bakasyon ay dapat bayaran sila ng maayos at sapat .

Umaasa din siya na dapat suportahan at ipaglaban ng bawat manggagawa ang disente at nakabubuhay na sweldo.