Aminado ang Simbahang Katolika na tila nalilihis na ngayon ang paggunita ng mga Katoliko sa Semana Santa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fr. Oscar Roque ng St. Thomas Aquinas Parish Church sa bayan ng Mangaldan, sinabi nito na sa halip na magnilay nilay, isinasabay pa ang bakasyon sa Semana Santa na kung tutuusin ay naging holiday para bigyan ang Katoliko ng panahon para pagnilayan ang kanilang kasalanan at hirap ng Panginoong Hesukristo.

Nangyayari aniya ito dahil kumokonti na ang nakakaalam ng tunay na diwa ng Mahal na Araw.

--Ads--

Sa mga panahon aniya na ganito ay dapat nagdadasal ang mamamayan.

Sinabi ng pari na hindi na rin nakikita ang tunay na diwa ng pagsasagawa ng Visita Iglesia dahil sa halip na magdasal sa mga simbahan ay kumukuha na lamang ang mga ito ng larawan o selfie.

Ayon kay Fr. Roque, ngayong Semana Santa ay dapat isapuso at isabuhay ang pagkakabanal at makita ng mananampalataya ang dakilang pag-ibig ng Diyos na kanyang inialay sa krus para maligtas ang sambayanan mula sa pagkakasala.