Labis ang pasasalamat ng isang simbahan dito sa lalawigan ng Pangasinan sa ibinahaging gamot ng Bombo Radyo at Star FM Dagupan bilang bahagi pa rin ng Bombo Medico 2019.

Ayon kay Father Roland Anthony Gavina ng Archdiocesan Social Action Center ng St John cathedral dito sa lungsod ng Dagupan malaking tulong ang mga ibinahaging gamot sa isinasagawa nilang Medical mission tuwing Linggo kung saan mga indigent ang mga benificiaries.

Ilang mga kahon ng gamot para sa mga matatanda tulad ng para sa highblood, arthritis ,gout, mataas na cholesterol, at iba pa habang mga vitamins at paracetamol naman ang naipamahagi para sa mga bata.

--Ads--

Kasabay ng pagkakatanggap ng naturang simbahan ng mga gamot ngayong araw ang pagpapaabot nila ng pasasalamat sa Bombo Radyo Philippines dahil pinatunayan umano nito na hindi lamang sa larangan ng pagbabalita ang naiaambag nila sa publiko kundi maging sa pagtugon sa social corporate responsibility nito sa mga mamamayan lalo na sa mga nangangailangan.