BOMBO DAGUPAN – Ibinahagi ni Jetro Ticse Blood Donor Silver Awardee ang kaniyang karanasan sa pagiging Blood Donor kung saan nasa higit 20 taon na siyang nagdodonate ng dugo.

Nagsimula ito noong 1995 pa at panahon pa ng administrasyon ni Dating Pangulong Fidel Ramos.

Aniya na nainspire siya dito na sa kabila ng edad nito ay nakakapagdonate pa ng dugo kaya bakit hindi niya subukan kung saan apat na beses itong nagdodonate ng dugo bawat taon kaya natanggap niya ang parangal na Silver Awards dahil sa kanyang ambag sa Philippine Red Cross.

--Ads--

Hindi niya naman umano hinahangad ang awards dahil ang gusto lamang nito ay makatulong sa mga nangangailangan kahit hindi niya kamag-anak pero isang karangalan umano na nakatanggap ito.

Dagdag pa niya na malaki ang parte ng Blood donations kaya hinikayat niya ang kanyang ilang mga katrabaho na makiisa sa mga Blood letting program lalo na kapag mga founding anniversary sila sa kanilang opisina.

Naparangalan ito bilang Blood Donor Silver Awardee ng Biskeg ya Dala Awarding Ceremony ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter na isinagawa kahapon.

Samantala, maganda umano ang maitutulong ng pagdodonate ng dugo dahil dito mas pinapalusog umano ang katawan at narereflenesh ang dugo kaya maging isa umanong blood donors para sa mga taong nangangailangan nito.