BOMBO DAGUPAN – Kritikal ang isang lalaki matapos mabangga ang sinasabing bisiklita sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Poblacion, Bugallon, Pangasinan.
Ayon kay PMAJ. Ramsey Ganaban, chief of police sa Bugallon PNP, ang aksidente ay kinasasangkutan ng isang asul na mountain bike, na pina-pedal ni Jimmuel Vargas Guinipaan, 40 taong gulang, binata, welder at residente ng Sitio Madiong, Brgy Umanday, Bugallon at isang puting Truck na minamaneho ni Jimmy De Vera Mariñas Jr., 26 taong gulang, binata, driver, may hawak ng driver’s license at residente ng Brgy. San Vicente, San Jacinto.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na binabagtas ng trak ang nasabing kalsada patungong hilaga.
Nang makalapit sa lugar ng insidente ang siklista na pumapaling habang ipinapaandar ang kanyang mountain bike patungong south sa outer southbound lane at biglang tumawid sa kalsada papunta sa northbound lane dahilan upang mabangga ng paparating na truck ang siklista na nagresulta sa kanyang pagkahulog.
Sinabi ni Ganaban na base sa salaysay ng truck driver, ang bisekleta ay pagiwang giwang at biglang liko na dahilan para maaksidente.
Kuwento naman mula sa panig ng biktima, hinahabol umano ang biktima ng aso nang mangyari ang aksidente.
Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang siklista at agad na dinala sa Lingayen District Hospital, saka inilipat sa Region 1 Medical Center Annex para magamot. Hindi naman nasaktan ang driver ng trak.
Sa ngayon ay nagkaroon na ng pag uusap sa pagitan ng pamilya ng biktima at drayber.
Samantala, nanawagan si Ganaban sa mga motorista na mag ingat sa pagmamaneho.
Huwag uminom ng alak kapag magmamaneho, maglagay ng reflectorized sa kanilang sasakyan at magsuot ng reflectorized vest upang iwas aksidente.