Itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon dahil sa banta ng Super Typhoon Bavi, na binigyan ng lokal na pangalang Inday, kahit nasa labas pa ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa weather state bureau inaasahang papasok ang Bagyong Inday sa loob ng PAR Martes ng gabi o sa madaling araw ng Miyerkules.

Bagama’t nasa labas pa ng bansa ang bagyo, pinalalakas na nito ang Habagat o Southwest Monsoon, na nagdudulot ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas.

--Ads--

Batay sa datos , makakaranas ng pag-ulan Miyerkules ng umaga ang Zamboanga Peninsula, Sulu Archipelago, at SOCCSKSARGEN.

Inaasahan din na halos buong Mindanao ang makararanas ng pag-ulan pagsapit ng hapon dahil sa pinalakas na epekto ng Habagat.

Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na bantayan ang mga susunod na abiso at weather bulletin kaugnay ng paggalaw ng Bagyong Inday at ng mga epekto nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.