Gantihan ang nagiging takbo ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Israel at Iran kung saan kapag tinarget ang major facility ng isang bansa ay gumaganti din ang kabilang panig.

Ayon kay Marvin Cuellar – Bombo International News Correspondent sa Israel hindi biro ang mga pinapadalang missile ng Iran bagama’t kahit hindi direktang mataamaan ang mga debris nito ay delikado parin.

Kaugnay nito ay may mga napapabalita din na magpapadala ng military combat ang Iran subalit aniya ay malabo itong mangyari lalo na at napakalayo ng Iran at magiging air to air attack lamang ang palitan ng magkabilang panig.

--Ads--

Ayon naman sa Philippine Consulate General sa Israel, mayroon nang mga ipinatutupad na protocol at alert system para sa mga mamamayan, kabilang ang agarang pagpunta sa mga bomb shelter sa oras na tumunog ang sirens o makatanggap ng alerto.

At pagkatapos ng pagsabog, pinapayuhang maghintay ng ilang minuto bago lumabas sa ligtas na lugar ang mga mamamayan, upang maiwasan ang panganib mula sa mga sumunod na pag-atake.

Bagama’t wala pang utos para sa mass evacuation, inihayag ng konsulado na may isinasagawang paghahanda ang embahada sakaling lumala ang sitwasyon.

Sa ngayon aniya ang pinakamahusay na paraan ng pagtulong ay ang paulit-ulit na paalala sa mga protocol, dahil ang bawat isa ay kailangang mag-ingat at tumugon sa sariling kaligtasan.

Samantala, pansamantalang nananatiling bukas at sarado ang border sa Jordan, kung saan isinasagawa ang ilang humanitarian passages.

Ayon sa ulat, may mga dayalogo sa pagitan ng embahada ng Israel at Jordan, habang ang Estados Unidos ay hindi nagpapakita ng hayagang suporta sa military retaliation ng Israel.

Bukod dito ay iniulat din na nagpadala ng aircraft ang China patungong Iran, habang ang Russia ay nananatiling neutral sa kasalukuyan.

Dahil dito, hindi pa rin tiyak ang magiging galaw ng mga pandaigdigang pwersa, at nananatiling unpredictable ang kalagayan sa rehiyon.