Itinalaga ang rising star at actress-host na si Shuvee Etrata bilang kauna-unahang babaeng Scout Ambassador ng Boy Scout of the Philippines (BSP).
Si Shuvee at 24-year-old at unang nakilala bilang isa sa mga housemates sa sikat na reality television show na “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition,” at dito na nagsimulang magbukas ang maraming pintuan sa showbiz hanggang sa mga endorsement.
Isinapormal naman ang posisyon ng actress sa kaniyang naging paglagda sa isang memorandum of agreement kung saan nakasuot siya ng full scout uniform.
Kakatawan si Etrata sa organisasyon ng mga events at kampaniya na nagsusulong sa values ng BSP kabilang na ang leadership, service at community engagement sa mga kabataang Pilipino.
Ayon sa pahayag ni Shuvee sa BSP Facebook page, hindi lamang ito basta titulo kundi maituturing niyang isang “Dream Come True”.
Matatandaan naman na kamakailan lamang din naging sentro ng matinding pagbabatikos ang aktres matapos maglabasan at muling binuhay ang mga lumang posts at videos niya sa social media kaugnay sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, pagpabor umano niya sa pagsasara ng malaking television network (ABS-CBN) at isyu kaugnay sa komedyanteng si Vice Ganda, bagay na binigyang linaw na ng aktres sa isang panayam sa kaniya.