Nakakabahala tuwing may nangyayaring insidente malapit sa white house kung saan kamakailan lamang ay may nagkaroon ng shooting incident malapit dito.
Ayon kay Bradford Adkins – Bombo International News Correspondent in USA mas mahigpit na ang security at checkpoints sa bansa lalo na at parang walang katapusan ang gulo at mga pagtatangka katulad ng nasabing pangyayari.
Aniya mabuti na lamang at out of town si US President Donald Trump nang mangyari ang insidente.
Ito ay matapos may isang kahina-hinala lalaki na nagpunta malapit sa white house na may dalang baril at may motibong mag-suicide.
Dahil dito ay nagsagawa ng pagmamanman ang mga intelligence agencies kung saan dahil hindi ibinaba ng suspek ang kaniyang weapon ay nabaril ito.
Napag-alaman naman na mayroo pala itong mental problem at nagpakita ng suicidal tendencies.
Sa kasalukuyan ay hindi pa alam ang kaniyang kalagayan nito ngunit nagdulot ang insidente ng mas lalong paghihigpit sa seguridad sa bansa.