Natagpuan ngayong araw si Shiela Mae Taborlupa sa Bayambang, Pangasinan, ang ikatlo sa apat na pasaherong naiulat na nawawala matapos ang Agana Bridge Incident sa Tarlac.

Kabilang si Taborlupa sa limang indibidwal na sakay ng van na nahulog sa Agana Bridge noong Agosto 26 matapos bumagsak ang bahagi ng tulay at tuluyang mahulog sa rumaragasang tubig ng Tarlac River.

Samantala, nagpapatuloy ang search and rescue operation para kay Harvey Paul Collado, na siya na lamang ang natitirang pasaherong hindi pa natatagpuan, pinapalawak ang search areas upang matukoy ang posibleng kinaroroonan ni Collado.

--Ads--

Kasabay ng patuloy na paghahanap, ipinaabot ng Lungsod ng Tarlac ang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa trahedya.