Bukod sa mga netizens, tila gulat at gulat din at hindi pa rin naka-get over ang TV host-actress na si Shaira Diaz sa ginawa ng kanyang fiancé na si Edgar Allan “EA” Guzman sa katatapos lang na fashion show!

Paano ba naman kasi, Kanya-kanyang gimmick ang mga artista. May dumating na naka-motorsiklo, may nag-aerial dance, may nagpakilig, at kung anu-ano pang pakulo.

Ngunit, ang nagpa-angat sa kay EA ay ang kaniyang suot na purple boxers at ang kaniyang confidence na rumampa.
Bukod naman sa pag-flex ng muscles, may panggulat pala ang aktor: dahil, ibinaba nito ang suot na boxers at ipinakita ang kaniyang “butt”.

--Ads--

Dito na nag-sigawan at tumili ang crowd sa venue.

Sa kabilang banda pagkatapos ng show, nag-post agad si Shaira, at sa inaasahan, sa comments section ng kaniyang post, wala namang mababasang kritisismo sa ginawa ni EA.

May ilang netizens ding inasar si Shaira na nauna pa raw ipinakita ni EA sa publiko ang butt nito kaysa sa aktres.

May koneksiyon ang komentong ito ng mga netizens sa pag-amin nina Shaira at EA noon na wala munang premarital sex hangga’t hindi sila ikinakasal.

Sa kabilang banda, nakatakda namang magselebra ng 12th anniversary ang couple sa taong ito, habang sa August 2025 naman ang kanilang nakatakdang wedding.