DAGUPAN CITY- Hindi umano biro ang akusasyon ng driver ni beauty queen-actress na si Michelle Dee laban sakaniya dahil umano sa pagkulong nito at pagtorture sa nasabing empleyado dahil sa di umano’y pagnakaw ng pribadong litrato nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Domonick Abril, Legal & Political Consultant, aniya, mabigat ang akusasyong serious illegal detention at may pambubugbog.
Aniya, depende sa bilang ng insidente ang itatagal ng ipapataw pagkakakulong subalit, katumbas na ng 6 taon ang isang bilang.
--Ads--
Ito ay non-probationable o nangangahulugang kailangan itong bunuin sa loob ng bilangguan.
Hindi rin ito mabibigyan ng pagkakataong makapagpyansa para sa pansamantalang kalayaan.










