DAGUPAN CITY- Ilan lamang sa mga pangunahing aspeto na dapat pagtuunan ng pansin sa pagbibigay ng serbisyo publiko ay ang mga usaping panlipunan at kalusugan, lalo na ang tamang nutrisyon ng mamamayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Councilor-elect Danee Canto ng Dagupan City, kanyang binigyang-diin na isa sa kanyang pangunahing layunin ay ang bigyang halaga ang mga usaping may direktang epekto sa kabuhayan at kalagayan ng mga tao, partikular na ang mga programang sumusuporta sa kalusugan, edukasyon, at kapakanan ng bawat pamilyang Dagupeño.

Mahalaga ang mga ito sa paghubog ng isang mas maayos, mas malusog, at mas progresibong komunidad.

--Ads--

Isa rin sa mga layunin ni Councilor-elect Canto ay ang ipagpatuloy at lalo pang pagbutihin ang mga nasimulang proyekto at serbisyong pampubliko ng lungsod.

Ayon sa kanya, hindi sapat na magsimula lamang ng proyekto, dapat itong bantayan, paunlarin, at tiyaking may positibong resulta sa mga mamamayan.

Lubos din ang pasasalamat ni Councilor-elect Canto sa lahat ng mga taong nagtiwala at sumuporta sa kanya sa nagdaang halalan.

Overwhelming, ayon sa kanya, ang pakiramdam ng mabigyan ng panibagong pagkakataon upang makapaglingkod sa publiko at maipagpatuloy ang mga programang sinimulan.