Dagupan City – Umarangkada ang Serbisyong Ang Galing ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Ramon V. Guico III para ilapit ang mga pangunahing serbisyo sa mga residente ng Malasiqui.
Sa pamamagitan ng programang Guiconsulta+, mas napadali ang pagkuha ng serbisyong medikal sa mga barangay ng Bongar, Malimpek, Warey, at Don Pedro.
Nakinabang ang mga residente sa libreng medical check-up at pamamahagi ng vitamins, gayundin sa pagpaparehistro sa PhilHealth YAKAP upang mas mapalawak ang kanilang access sa serbisyong pangkalusugan.
Bukod dito, nagkaroon din ng PhilSys National ID assistance para sa mga nais magparehistro o magpaayos ng kanilang national ID, bilang bahagi ng layunin ng pamahalaang panlalawigan na gawing mas accessible ang mga serbisyong pampubliko sa komunidad.










