Mananatiling nakatuon sa pagbibigay ng mas mabuting serbisyo sa kanilang nasasakupan ang mga kabataang lider sa bayan ng Calasiao.
Ayon kay Councilor Narayana Rsi Das Mesina – SK Federation President sa nasabing bayan sa harap ng usapin hinggil sa panibagong extension ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), sang-ayon ito sa pag-extend ng termino ng kasalukuyang mga opisyal, sa kabila ng kanilang orihinal na sinumpaang dalawang taong panunungkulan.
Aniya na kung sakaling matuloy man ito ay target nilang higitan pa ang serbisyong naibigay sa kanilang nasasakupan sa mga nakalipas na taon.
Kung saan layunin anilang mag-iwan ng legacy o isang matibay na pamantayan ng liderato na magiging inspirasyon para sa susunod na henerasyon ng mga kabataang lider.
Kaugnay nito ay kanilang ipinagmamalaki ang patuloy na pagiging aktibo ng kabataan sa Calasiao.
Kung saan aniya ay mas nagiging progresibo at lumalahok sa mga programa ng SK ang mga kabataan.