DAGUPAN CITY- Kailangang respetuhin ng mga mamamayan ng bansa at desisyon ng mga opisina ng pamahalaan upang maging mas maayos ang mga proseso ukol sa Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Mark Anthony Baliton, isang Political Analyst, itinuturing niya ang mga pangyayari sa mundo ng pulitika sa bilang unexpected expected happenings.
Aniya, dapat lamang na irespeto ang bounderies at separation of powers ng tatlong sangay ng Pamahalaan dahil ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin.
Kailangan ding obserbahan ang magiging takbo ng nasabing impeachment dahil maselan ang ganitong mga bagay.
Dapat din niya umanong asahan ang ilang mga pangyayaring maaaring magresurface pagkatapos ng ilang mga imbestigasyon at pagsisisyasat sa bise.
Panawagan naman niya sa mga mamamayan na laging mapanuri sa mga balita at impormasyon, gayundin sa mga pananalitang binibitawan ukol sa mga pangyayari.