Dagupan City – Rebisahin at muling pag-aralan ang Artificial intelligence (AI).
Ito ang naging panawagan sa pamahalaan ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa.
Ayon kay Josua Mata, Secretary General ng nasabing samahan, maaari naman itong magdulot ng napakaraming advantage sa bansa, ngunit may kaakibat itong mga potensyal na suliranin. Gaya na lamang ng posibilidad na maaari nitong alisan ng Huaman rights, labor rights, privacy at discrimination ang bawat indibidwal.
Isa kasi aniya sa mga ino-offer nito, ay ang maaring paggamit sa Artificial Intelligence (AI) bilang pag-hahire sa mga manggagawa, kung saan ay nawawala ang human judgment para sa mga aplikante.
Binigyang diin naman nito na napakaganda ng inisyatiba ni Representative Juan Carlos Atayde, dahil sa naghain ito ng House bill 9448, ngunit dapat ay tignan din aniya na gawin lamang ito bilang bahagi ng pag-unlad ng bansa, dahil sa maaari rin itong kapusin.
Dagdag pa rito, ang European union ay umaksyon na rin, kung saan ay gusto nilang i-banned ang facial recognition, dahil na rin sa posibilidad na gamitin ito ng mga kompanya na ipawalang bisa ang karapatan ng mga manggagawa.