DAGUPAN CITY- Layunin ng Senior High School Voucher Program ng Department of Education (DepEd) na paganin ang mga paaralan at mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa kanilang paglipat sa pribadong paaralan upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Senior High School.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Benjo Basas, chairperson ng Teachers Dignity Coalition, makakatulong ito sa mga pribadong paaralan na tatanggap ng mga ‘excess’ o pasobrang mga mag-aaral na nagmula pa sa pampublikong paaralan.

Aniya, isa sa malaking dahilan ng nasabing pagsiksikan ay ang congestion at kawalan ng strand/track na nais nilang kunin.

--Ads--

Gayunpaman, mayroon naman aniyang mga paaralan na nakapagtala ng mga ghost student na nakikinabang sa nasabing programa.

Patuloy naman itong pinag-iimbestigahan ng DepEd dahil hindi lamang ito nangyayari sa mga senior high school.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas ang ahensya ng mga pangalan ng paaralan na may ghost student.

Ang ghost student ay ang mga sinasabing bilang ng mag-aaral na sinabing nag-enroll sa naturang paaralan subalit, wala itong katotohanan.