DAGUPAN CTY- Isa umanong magandang hudyat ng patuloy na pag-usad ng kaso ni Mary Jane Veloso ang send-off program para sa kaniya, kung saan nagsilbi itong countdown para sa kaniyang pag-uwi sa Pilipinas.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Raymond De Vera Palatino, Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan, nagkaroon ng send-off program sa Quezon City, ngunit hindi na nakaalis, kaya’t aantayin na lamang ang pagdating sa Pilipinas.
Aniya, naging countdown umano ang send off kung saan nangangahulugan itong nagkakaroon na ng progreso ang lahat ng efforts.
Hindi rin umano makapaniwala ang pamilya ni Mary Jane na makakauwi na ang kanilang kaanak dahil tila wala umanong nakikitang usad ang kaso, ngunit, ngayon ay kinakikitaan ng pamilya ng pag-asa ang mga nangyayari sa ngayon.
Hiling naman ng grupo na maging tuloy-tuloy ang inisyatibang makamit ni Mary Jane ang kalayaan sa pamamagitan ng clemency.
Nababahala din ang grupo sa isang malitang nagsasabing iallagay siya umano sa isang correctional facility.
Hinihikayat din ng grupo na makiisa ang mga mamamayang Pilipino para sa hiling na clemency sa pamahalaan para kay Veloso.