“Nag-aassume” lamang umano si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Ganito ang pagsasaad ni Atty. Joseph Emmanuel Cera, isang Constitutional/Street Lawyer, kaugnay sa ulat na tiwala umano si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na mapoprotektahan siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos mula sa nagbabadyang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).

Wala aniya kasing enforcement authorities ang ICC kung saan nakaasa lamang ang mga ito sa gobyerno sa pag-aaresto ng mga salarin.

--Ads--

Kung sakali mang mabigyan ng warrant of arrest si Dela Rosa galing sa ICC at Financial Criminal Court, maaari umanong protektado lamang siya sa loob ng Pilipinas ngunit kung lalabas ito ng bansa ay maaari siyang arestuhin ng mga miyembro ng ICC.

Ngunit sa kasong ito, hindi naman aniya inaasahang ang gobyerno ng Pilipinas ay tutulong sa pag-aaresto sa dating Pangulong Rodrigo Duterte at Dela Rosa kaugnay sa kanilang programang War on Drugs.

Kung hindi naman aniya sumang-ayon ang ICC sa request ng administrasyong Marcos, ipapatigil muna ang pag-imbestiga ng criminal cases laban sa mga persons of interest.

Paliwanag pa ni Atty. Cera na matagal-tagal na panahon pa ang gugugulin sa imbestigasyon bago maaresto ang dating administrasyon at si Dela Rosa at kung sakali mang sumuko ito ay dito lamang aniya papasok si Senator Francis Tolentino na tatayo bilang kaniyang legal council upang siya ay depensahan.

TINIG NI ATTY. JOSEPH EMMANUEL CERA