Dagupan City – Binigyang diin ni Senator JV Ejercito ang pagtutok sa Universal Health Care Law sa kanyang pagbisita sa Region 1 Medical Center.
Sa naging mensahe nito, sinabi nito na gagawin niya ang kaniyang makakaya upang mapabilis ang implementasyon at madagdagan ang kapasidad ng ospital dahil sa nakita nito ay kabilang ito sa isa sa mga nakakaawang sitwasyon.
At bilang bahagi aniya ng kanyang adbokasiya kinakailangan na maisulong ito kaagad at masubaybayan ang implementasyon nito.
Nauna nang nilinaw nito Ejercito na hindi ito nangangampaniya dahil matagal pa ang eleksyon.
Inaasahan naman aniya na ma-ipropropose ang budget sa nakatakdang budget season para maayos ang kalagayan sa rehiyon.
Dagdag pa rito ang pagtutok sa Philhealth upang maayos ang mga kinakailangang ayusin at makita kung saan nagkamali at nagkulang.
Dito naa rin niya binigyang diin ang kahalagahan trabaho, hanap-buhay at serbisyo dahil sa nangyayari aniya ay puro ayuda lamang ang nagiging panukala na hindi naman pangmatagalan.