Dagupan City – ‘Gaya ng bise presidente, mistulang namamangka rin sa dalawang barko si Senator Imee Marcos’.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst/Constitutionalist sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kung saan ay sinabi nito na palaisipan kung ano ang nais ng senadora.

Sa nangayayari kasi aniya ay lumalabas na mistulang pumapanig ito sa kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at parang nagktaon lamang na bitbit nito ang apliyedong Marcos.

--Ads--

Sa katunayan aniya, dalawang magkasunod na statement na ang kaniyang inilabas na hindi ito sumasang-ayon sa kaniyang pamilya.

Binigyang diin din ni Yusingco na sa kasalukuyan, ang nakikitang dahilan ng publiko ay may sama ng loob ito sa kaniyang pamilyang Marcos.