Hinimok ni Senate President Win Gatchalian ang Department of Transportation (DOTr) na magkaroon ng malinaw at strategic na roadmap sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), at tiyaking kumpleto muna ang mga pangunahing hakbang tulad ng route rationalization para maging matagumpay at masulit ang programa sa pangmatagalan.
Sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2027 budget ng DOTr at mga attached agencies nito, nagpahayag ng pagkabahala si Gatchalian sa mabagal na pagkumpleto ng route rationalization studies na sinimulan pa noong nakaraang administrasyon ngunit hindi pa rin tapos hanggang ngayon.
Iminungkahi ni Gatchalian na unahin muna ang mga highly urbanized areas kung saan pinakamataas ang pangangailangan sa transportasyon at mas matindi ang traffic congestion.
Sa ngayon, nasa P891 milyon pa ang equity subsidies na hindi pa naipamamahagi.
Sang-ayon naman si Transportation Secretary Giovannie Lopez kay Gatchalian at sinabing maaari ngang mas mahirapan ang mga operator at driver na bayaran ang kanilang amortization dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Binigyang-diin din niya ang pangangailangang ituloy ang PUV modernization program.










