Nilinaw ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Erwin Tulfo na walang nakatakdang pagdinig sa Hunyo 16, 2026.

Sa inilabas na abiso ng komite, binigyang-diin na walang anumang hearing na nakaiskedyul sa naturang petsa at pinabulaanan ang mga kumakalat na impormasyon kaugnay nito.

Ayon sa Blue Ribbon Committee, ang mga anunsyo ni dating Anak Kalusugan Rep. Mike Defensor tungkol sa umano’y pagdinig sa Hunyo 16 ay hindi awtorisado.

--Ads--

Sinasabing maliban sa 18 dating bodyguards ni Zaldy Co, mayroon pa umanong 14 na iba pang handang magbigay ng pahayag.

Pero wika ng komite, walang pag-apruba mula sa kanila ang naturang pahayag at hindi ito dapat paniwalaan ng publiko.