DAGUPAN CITY– Mariing pinabulaanan ni Dating Kongressman at Magdalo Representative Gary Alejano na tumanggap ng P500 million si Senator Antonio Trillanes IV kaugnay sa pagsasampa ng reklamo sa International Criminal Court laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay dating Congressman at Magdalo Representative Gary Alejano, hindi ito magagawa ni Senator Trillanes maging sila sa oposisyon.

Aniya kinakaya nila ang mga hirap at hamon maging ang pagtataya ng kanilang buhay at pamilya para gawin ang sa tingin nila ay makabubuti sa bansa.

--Ads--

Sa katunayan ayon kay Alejano maging ang kanilang oras ay nauubos rito.

Giit pa nito na sa pulitika mayroon pa rin mga tulad nila na prinsipyo ang pinapairal na pilit nilang ipinaglalaban.

Former Congressman and Magdalo Representative Gary Alejano