Patuloy ang pagbisita ng mga prominenteng tao kay dating Pangasinan governor Amado Espino Jr. ilang araw matapos ang pananambang sa kanyang convoy sa barangay Magtaking sa lungsod ng San Carlos.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng bombo radyo Dagupan, bumisita sa kanyang bahay si senador Ronald Bato De la Rosa, matapos na makalabas na ng pagamutan ang dating mambabatas.
Kasabay ng kanyang pagbisita ay ang pagtiyak na tututukan ang kanyang kaso upang mabilis itong maresolba.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamilya Espino sa pagbisita ni dela Rosa.
Samantala, muling magsasagawa ng command conference ang PNP region 1 bukas kaugnay sa insidente.
Sa ngayon ay patuloy ang masusing imbestigasyon sa nasabing kaso.
Matatandaan na ipinag-utos ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde ang mabilis at malalimang imbestigasyon sa kaso upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.
Si Espino ay kabilang PMA Class 1972.
Nagretiro sa serbisyo sa PNP bilang Regional Director ng PRO 1 bago naging Gobernardor at congressman ng lalawigan ng Pangasinan.