DAGUPAN CITY- Tiniyak ni Sen. Imee Marcos sa kaniyang muling pagbisita sa syudad ng Dagupan ang kaniyang tuloy-tuloy na pagtulong sa pagsasaayos ng mga kakalsadahan upang matugunan ang pagbaha sa lungsod.

Ayon sa kaniya, sa pamamagitan ng pagtutulungan nila ni Mayor Belen Fernandez at ng Department of Public Works and Highways Region 1, kanilang pag-uusapan ang mga hakbang para sa mabilis na pagsasaayos ng mga daan at kanal.

Aniya, isa ito sa kanilang tinatrabaho lalo na’t napapanahon ang usapin sa budget para sa susunod na taon.

--Ads--

Samantala, sinabi naman ni Mayor Fernandez na malaki na ang pinagbago ng mga napataas na mga kakalsadahan partikular na sa Arellano, AB Fernandez, at Mayombo.

Aniya, hindi na binabaha ang mga ito kaya tuloy-tuloy pa rin ang mga konstruksyon sa lungsod.

Dagdag pa niya, humingi na siya ng tulong sa senadora para sa pagsasaayos ng mga creek at iba pa.