Dagupan City – Nilinaw ni Sen. Imee Marcos na huwag mag-alala ang taong bayan dahil hindi tatanggalin ang mga programang namimigay ng ayuda, dahil siya mismo ang isa sa mga naging pasimuno nito lalo na noong panahon ng pandemya.

Nakita niya na kailangan ng tao ng tulong dahil sa mga panahong iyon ay walang trabaho at kinikita ang mga tao.

Dito nga ay nagsulputan ang mga ayuda kagaya na lamang ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na kung saan ay nagkaroon ng pagkukwestyon sa AKAP dahil wala ito sa President’s priority at wala rin ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ona kanilang pinagtataka kung paano ito nasingit.

--Ads--

Aniya na hindi naman ito kontra ngunit sana ay maayos ang sistema nito at organisado itong ilinya sa mga programa na namimigay ng tulong pinansyal sa taong bayan, lalo na kung sino ang mga kaarapat-dapat na tatanggap.

Nababahala na rin siya dahil sa mga nagsusulputang isyu na napupulitika na ang pamimigay ng tulong pinansyal.

Kaugnay din nito ang patungklol naman sa tuwing nananalasa ang bagyo o tuwing dumadating ang sakuna.

Ayon sa Senador, ang pinakasimple at agarang aksyon para makatulong sa mga nasalanta o naapektuhan ng bgayo o ng sakuna ay ang pamimigay ng ayuda kagaya na lamang ng pamimigay ng tulong pinasyal, relief goods o foods packs, at libreng gamot o hygiene kits. (Nerissa Ventura)